Simpleng biruan, upang magtawanan, simpleng kasinungalingan. Jokes are half meant, Ika nga nila. Katotohanang di buo.
At dahil sa kahihiyan, na tila naaalis daw sa tagayan, tayo'y nagkakakwentuhan, mitsa ng panibagong katatawanan. Kahit ang napeperwisyo ay ang sariling katawan.
Sa panahon ng pagkasawi, naghahanap ng kinabibilangan, kaya nauso naman ang usukan. Cool o kung anoman, peer pressure ika, paminsan minsan lang, subalit lingid sa kaalaman, nakamamatay ng mahinang baga, ng sanggol, 2nd hand smoke ay may dalang mas matinding karamdaman, kaya't join na lang tayo, and let's have a good time. We defend ourselves from causing earlier deaths by saying YOLO, you only live once. Paano na? pati 3rd hand smoke mas mabagsik pa. Kung tatatayahin, parang covid19 lang yan, tumatagal ng tatlong araw sa plastic. Dosage makes poison ika nga. Lalasunin kita pero pauntiunti lang.
Sige di rin naman mapipigil yan, atin na lang pagkakitaan, extra tax para sa mamamayan, kaya nga lang, mas lugi pa rin ang bansa sa ginagastos sa mga sakit na dulot nito. Siguro kung 100 isang stick mapalapit sa break even. Break even ourselves.
Bagama't masakit, iya'y katotohanan, nguni't karamihan, di nagamit ang free will ng walang daya. Pumili noong di pa natin nalalaman hanggang sa maadik, di na maiwasan.
Pero ano nga bang ugat bakit namumunga iyan. Natural sa tao na humanap ng kaaliwan. Kaya naman gumagawa ng paraan. Subalit madalas diablo na pala ang pinaparaan. Ang mas nakararami, di nakakaalam.
Kung di nalalaman ay pagaralan, hinanap ko, hinanap ng iba, pagibig lang pala ang sagot sa problema. Pero paano ba iibig? Isang bagay na di nalaman, aralin man, hanggang sa tayo mismo ang pinagukulan.
Galit ang naisasagot sa galit, pangalan ay iniingatan, na nasisira naman ng kapalaluan. "Ang intensyon ko'y ito, bakit di maparating?" sapagka't ang puso di natin nalalaman, kaya't imbes mabuti'y pasaring nang dinggin, namamali ng encoding, malamang mali rin ng decoding.
Kaya't muli't muli, tinatanong na naman, paano nga bang umibig? walang nakakaalam, sa mga tao sa mundo, walang nakakaalam, subalit puso'y sumasagot sa puso, kaya't nararamdaman. At aming natuklasan, mayroong pinagbigyan, binigyan ng karunungan. Hahanapin na lang.
Nang matagpuan, unti unti, bagama't nalalaman, kasanayan sa mabuti'y di agad sagaran. Upang ang iba'y ating mapagmasdan, ang lakad nilang liko't tinutuwid na paghakbang. Kung wala tayong paltos, tayo'y mangbabatikos, huwag akalaing lang wala, pagkat meron meron meron.
Anak tayong lahat ng iisang ina, na dahil mahina'y nadadaya't nabibigla. Maaaring maging anak din ng iisang Ama na Tagapagligtas ng lahat. Nang madaya ma't hindi, ikabubuting walang palya.
Encoding our love to deliver the message, may secret key, sa puso ng sender. Alam ng Dios yun. At di natin malalaman marahil magpakailanman. Kaya't gaya ng technique sa number theory, let it pass and decode these messages with love. Galit man o hindi, tiisin lang, at ihiling sa Ama na makuha natin ang unawa.
Lahat tayo nangangalingan ng kaaliwan, ang Dios na nakakaalam, tinatawag tayo, upang sumamba sa Espiritu at buong katotohanan.
Binigyan ng Mangaaliw sa bautismo, na tumutulong sa ating kahinaan, at binibigyan tayo ng libangan.
May Anak na namamagitan, nagtatapyas ng ating kasalanan sa decoding ng ating mga ibig iparating sa Ama.
At may Dios na gumagawa sa puso nating lahat, upang maituwid ang ating mga paghakbang, at ang ating mga lakad ay mapagbigyan.
https://www.controversyextraordinary.com
May daily pagkakatipon din, Bible Study and Bible Exposition for you and me.
Follow https://twitter.com/mcgidotorg
Binigyan ng Mangaaliw sa bautismo, na tumutulong sa ating kahinaan, at binibigyan tayo ng libangan.
May Anak na namamagitan, nagtatapyas ng ating kasalanan sa decoding ng ating mga ibig iparating sa Ama.
At may Dios na gumagawa sa puso nating lahat, upang maituwid ang ating mga paghakbang, at ang ating mga lakad ay mapagbigyan.
https://www.controversyextraordinary.com
May daily pagkakatipon din, Bible Study and Bible Exposition for you and me.
Follow https://twitter.com/mcgidotorg